KUNG PINOY NA INHINREYO SI NOAH Taong 2005 at isang at isang pangkaraniwan na inhenyerong pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang diyos at sinabing, "Pagkatapos ng isang taon ay babagya, bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang buong -malaking arko at isakay isakay mo ring ang pares- pares na mga hayop at mga mag-asawang Pilipino sa lahat ng kapuluan." Ibinigay ng Diyos kay Noah ang specs ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang pilipino sa napipintog pagbaha. Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arkon na ipinapagawa ko?" Tumugon si Noah, "Patawarin Po ninyo ako kung di ko po natupad ang utos ninyo. Nagkaroon po ng malaking probema sa plano po ninyo." At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siy ana Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha ni Noah na manggagawa at nag-strike. Natunugan ng mga progresibong grupo ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko. Nakisali sa rally ang mga miyembro ng tinaguriang third sex dahil bakit bias daw normal na mag-wasawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society gruop ay nakisali rin sa gulo dahil nabalitaan daw nila ang tsismis na baka ang pondonggagamiyo sa paggawa ng awrko ay nadungisan ng donasyon mula sa mga Gambling Lords at katas ng Jueteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing sa Senado "in aid of legislation sinubukan si Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi siya executive official, napilitan magpatawag tumistigo. Nang malaman ni DOJ sec. na utos ng diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara niya itong unconstitutional dahil hindi daw nito iginalang ang separation ng Church at State. Nakialam na rin ang NBI at PNP sinabi nilang meron silang impormation na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Tumungo si Noah sa Congressman niya upang humingi ng tulong, pero papayag lag daw si Congressman kung ipapaskil daw sa arko ang isang malaking poster na may pangalan at mukha niya. "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto," ang huing tugun ni Noah kay Lord. Napailing ang Diyos at sinabing, "Ayusin mop ang iyong pasaporte at visa. Tumulak ka sa bansang Israel bilang Overseas Contract Worker. Dun na lang natin itayo ang arko."