SULAT NI ITAY SA ANAK NA PROGRAMMER SA JAPAN

					
	Minamahal kong Junior,
						
		Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam
	kong mabagal kang magbasa.
						
		Pinadala ko na pati sa katero ireh dahil ilang araw
	ko nang inilapag ang sulat ko sa kompyuter ni Ading para
	'ikamo ma e-mail. Tamad yata ang "Messenger" na nakikita 
	kong may paskil dion dahil isang linggo na, di pa rin nya
	pinipick up ang sulat ko.
						
		At saka ano 'ga yang mouse na sinasabi mo sa kompyuter?
	Nilagyan ko na ng Dore rat killer kaya wag kang mag-alala,
	matetepok din yan.
						
		Sabi nga ng kapatid mong si Truman kanina ay 'wag ko
	basta gamitin ang kumputer at baka magka-virus. Aba'y 
	dyaskeng kompyuter ireh at nagkakasakit din pala, ano ha?
	Nagaalala nga ako dahil mahal ang anti-biotic.
						
		Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili
	mong bahay. Maganda ang lugar na ito at malayo sa Maynila.
						
		Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko
	na shampoo, ayaw bumula at saka kinakati na ang anit ko.
	Nakasukat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko
	pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo
	ako.
						
		Noong isang araw naman ay hindi ako makapasik sa bahay dahil ayaw
	bumulas ng padlock. Nakasulat saki ay YALE, eh aba namalat na ako sa
	kakasigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta
	ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang Tagalog ng YALE, wise
	yata ito!
						
		Salamat pala, anak sa padala mong "lapad". Marami tayo ngaung
	natututulungan.
						
		Nagpadala nga ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi
	ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Humble yata
	ang iyong Itay!
						
		Oo nga pala, ang kuya Nixon mo ay may trabaho na dito, mayroon sitang 500
	na tao na under sa kanya. Nagugupit siya ngaun ng damo sa memorial park,
	okey naman ang kita, above minimum ang sahod.
						
		Nakapanganak na rin pala ang Ate Bady mo, hindi ko pa alam kung babae
	o lalake kaya hindi ko pa masasabi kung ikaw ay bagong uncle or auntie.
						
	Wala na akong masyadyong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha, anak.
							
																				
							Love,
							Itay
																				
		P.S. - Anak sa susunod huwag ka na magpadala ng berdeng toothpaste ha? 
	Napaiyak sa anghang ang Inay mo. Hindi nya raw type ang brand ng
	"wasabe".
							
						Itay (pa rin)